Dagupan City – Hinikayat ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang mga Local Government Unit sa lalawigan na-adopt ang anti-bastos law o ang Safe Spaces Act of 2019 sa ilalim ng R.A. 11313.

Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, layunin nito na mabigyang pagtutok ang pagsugpo sa pambabastos sa lahat ng indibidwal kahit ano pa man ang kanyang kasarian.

Kung saan ay ipinagbabawal ang pambabastos mapa-personal man ito o online.

--Ads--

Aniya, kinakailangang maki-koopera ang bawa’t bayan at syudad sa lalawigan sa ipinasang batas dahil marami na sa bansa ang sinusuportahan ang nasabing panukala.