Binubuo na ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang Flood Mitigation and Management Office upang mas epektibong matugunan ang problema sa pagbaha sa lalawigan.
Ayon kay Pangasinan vice governor Mark Ronald Lambino, magsasagawa ang pamahalaang panlalawigan ng isang malawakang flood management program.
Target nila na siyasatin at unawain nang buong-buo ang kasalukuyang problema.
Ipinahayag ni Lambino na hindi nila papasokin ang mga national initiated projects tulad ng konstruksyon ng DPWH, dahil ang pangunahing pokus nila ay ang pagtugon sa pangunahing suliranin, partikular na ang major siltation o pag-iipon ng putik sa mga ilog sa lalawigan.
Hindi rin sila gagastos sa mga contractor o pribadong indibidwal, at titiyakin nilang hindi magagastos ang pera ng taumbayan nang walang katuturan.
Ang nasabing opisina ay nakatuon sa pagtugon sa problema sa river system, gaya ng major siltation, at hindi lamang limitado sa dredging at flood control projects.