Boung 100 posyentong suporta ang ibibigay ng Sangguniang Panlalawigan sa bagong liderato ng probinsiya sa pangunguna ng Pangasinan Governor Ramon ‘Monmon’ Guico III.

Ito ang naging pahayag ni Re-elected Vice Governor Mark Lambino, ang presiding officer ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan sa isinagawang kauna-unahang flag raising ceremony sa Capitol Ground sa bayan ng Lingayen ngayong araw.

Ayon kay Lambino, asahan ang isang daang porsyento na suporta ang ibibigay kasama ang mga board members sa administrasyon ni Governor Guico para maging premier province muli ang Pangasinan.

--Ads--

Aniya, tutulong ang mga ito sa pagbabalik ng ‘Galing ng Pangasinan.’

Binanggit din ng Bise Gobernador na isang creative, eventfull at colorfull ang pagtatapos ng 10th Sangguniang Panlalawigan at sa pagbubukas ng 11th SP sa darating na Lunes, Hulyo 11 ay tuloy tuloy ang trabaho at maging katuwang sa progresibo ng lalawigan ng Pangasinan.

Isasagawa rin ang inaugural session sa araw na iyon ng mga board members at ang presiding officer.

Samantala, nagpasalamat din si Lambino sa mga Pangasinense sa pagluklok muli bilang Bise Gobernador at isang karangalan na makapagsilbi sa probinsiya.