Ikinukunsidera ngayon ng Sangguaniang Panlalawigan ang pagpapatupad ng No Vaccination, No Labas Policy sa probinsiya ng Pangainan dahil sa tumataas na kaso ng Covid19 at banta ng Omicron Variant.
Ayon kay Board Member Jeremy Ajerico Rosario, Chairman ng Committee on Health sa Sangguniang Panlalawigan, kinakailangan na ang mas maigting na paghahanda dahil sa tumataas na bilang ng nahahawaaan ng sakit sa NCR at sa karatig na probinsiya.
Ang pagkakaroon ng No Vaxx No Labas policy ay bilang pag iwas at paghahanda sa potensyal na pagpasok ng Covid-19 Omicron variant sa lalawigan.
Masyadong mabilis aniya ang pagkalat ng bagong variant kaya bago pa maramdamam ang epekto ay gumagawa na ng kaokolang measures ang pamahalaan.
Una nang naglabas na ng exective order si Pangasinan governor Amado Espino III na magkaroon ng regulated movement ang mga taong hindi pa kumpleto ang bakuna. Giit niya na kapag kumpleto ang bakuna at malakas ang katawan ay mas may laban sa sakit.