Dagupan City – Pinag-aaralan na ngayon ng Sangguniang Bayan ng Urbiztondo ang pagdeklara ng state of calamity dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue sa kanilang bayan.

Ayon kay Urbiztondo Vice Mayor Volter Balolong, nakababahala na ang pagtaas ng kaso sa kanilang bayan kung kaya’t naisipan na rin ang pag-aaral kung itaas ba ito sa state of calamity.

Sa kabila nito, patuloy naman ang kanilang isinasagawang mga misting operations at sanitary inspections sa bawa’t baranggay upang mapanatili ang kalinisan sa bawa’t sulok ng lugar.

--Ads--

Isa kasi aniya sa mga nagiging dahilan kung bakit patuloy ang pagdami ng lamok ay ang stagnant water na siyang nakukuha ngayong panahon pa rin ng tag-ulan.

Patuloy rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Rural Health Unit at pagpapaabot ng mga medical assistance sa mga residente.

Nagpaalala naman ito sa kanilang ansasakupan na magtulong-tulong ang mga residente sa pagpuksa ng lamok at bukas ang kanilang tanggapan sa pagtugon sa pangangailangan.