Hinahanap na ng otoridad ang tunay na magulang ng sanggol na iniwan sa CR ng isang simbahan sa Mangatarem, Pangasinan.
Malusog ang 6-buwang gulang na sanggol na nasa pangangalaga ngayon ng isang child care facility.
Kung hindi na magpapakita ang magulang ng sanggol, ipo-proseso na ito for adoption.
--Ads--
Nanawagan naman ang mga kapulisan sa mga magulang ng sanggol na panindigan ang kanilang responsibilidad.
Sinuman aniya ang nakakaalam ng pagkakakilanlan ng magulang ng sanggol ay maaring makipag-ugnayan sa mga otoridad sa kanilang bayan.