Isinusulong ni Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos ang House Bill 3661, na naglalayong ipagbawal ang mga kamag-anak ng mga opisyal ng pamahalaan hanggang ikaapat na antas sa pakikipagkontrata sa gobyerno.

Ayon kay Marcos, layunin ng panukalang batas na ito na mapalakas ang pananagutan at integridad sa serbisyo publiko, sa pamamagitan ng pagsasara ng mga butas sa batas na nagiging daan para sa pabor at katiwalian.

Saad nito na ang pondong pampubliko ay para sa mamamayang Pilipino, hindi para sa kapakinabangan ng mga kamag-anak.

--Ads--

Dagdag pa niya na dapat nating tiyakin na bawat pisong buwis ng taumbayan ay nagagamit nang tama at tapat.

Pagbabahagi pa ng kongresista, ang panukalang ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa isang gobyernong makatarungan, tapat, at tunay na nagsisilbi sa interes ng publiko.

Kapag naipasa, magiging bahagi ang batas na ito ng mas malawak na kampanya laban sa korapsyon at “conflict of interest” sa pamahalaan.