Isang makasaysayang tagumpay ang naitala sa politika ng Japan matapos manalo si Sanae Takaichi bilang kauna-unahang babaeng Punong Ministro ng bansa.
Si Takaichi, ay kilala bilang “Iron Lady” ng Japan na iniuugnay sa kanyang paghanga kay dating British Prime Minister Margaret Thatcher.
Matapos ang dalawang nabigong pagtatangka, sa ikatlong pagkakataon ay tuluyan na niyang nakuha ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ng Japan.
Kabilang si Takaichi sa hardline wing ng Liberal Democratic Party (LDP) at kilala bilang isa sa mga tagasunod ng yumaong dating Punong Ministro Shinzo Abe.
Siya rin ang ika-apat na Punong Ministro mula sa LDP sa loob lamang ng limang taon.
Hindi pa man siya nagsisimula sa kanyang termino, umaasa na ang marami na dala ni Takaichi ang isang panibagong yugto para sa Japan Government.