DAGUPAN CITY – Kasalukuyang nakasara lahat ng gate ng San Roque Dam noong sabado pa matapos makalabas ni Bagyong Kristine sa Philippine Area of Responsibility.
Ayon kay Maria Teresa Serra Flood Operation Manager, San Roque Dam nasa 276.25 meters ang lebel ng tubig ng nasabing dam at malayo pa bago nito maabot ang spilling level nito.
Aniya ay wala naman silang nakikitang pangangailangan upang magpakawala sa panahon naman ng pagtama ng Bagyong Leon sa bansa.
Bagamat ay magbibigay naman anila sila ng advance notice sakali mang magpapakawala sila ng tubig.
Kung saan pwede silang magpakawala kapag naabot ang 280 meters ng tubig at kapag nagbigay ng forecast ang PAGASA at matapos nito ay susumahin nila kung maaabot ba ang spilling level.
Samantala, kasama ang PDRRMO at OCD ay nagbibigay ng abiso bago magbukas ng spilling gate.
Paalala naman nito sa publiko na manatiling alerto gayundin at maging handa sa anumang sakuna.