DAGUPAN, CITY— Isinailalim sa mini-lockdown ang bayan ng San Nicolas bilang bahagi ng kanilang paghihigpit sa mga ipinatutupad na alintuntunin may kaugnayan sa mga naitatalang kaso ng COVID-19.

Batay sa pagpapatupad ng naturang mini-lockdown, ang mga magpupuntang kababayan sa pampublikong pamilihan ay mayroon lamang iisang entry at exit points kung saan nakatalaga ang handwashing o sanitizing areas.

Para naman masigurong hindi dadagsain ang pamilihan, nagpatupad na rin ng market schedule ang naturang bayan.
Araw ng Lunes at Huwebes para sa mga barangay San Felipe East, San Felipe West, Malilion, Cabuluan, Calanutian, Camindoroan, Camangaan, Sto. Tomas (Centro), Salpad, Bensican, at San Isidro.

--Ads--

Araw naman ng Martes at Biernes sa mga barangay Nagkaysa, Casaratan, Poblacion East, Poblacion West, San Jose, Siblot, Nining, Sobol, at San Roque.

Habang araw ng Miyerkules at Sabado para sa mga barangay Sta. Maria East, Sta. Maria West, Cabitnongan, Cacabugaoan, Calaocan, Malico, San Rafael Centro, San Rafael East, San Rafael West, Dalumpinas, Lungao, Salingcob, at Fianza. Bibigyaan daan naman ang disinfection kada araw ng Linggo.