Hindi na madaanan ang San Juan Hanging Bridge sa Anapao Road at Cayungnan Road sa Agno, Pangasinan dahil sa mga naiwang debris matapos abutin dahil sa malakas na ragasa ng tubig dulot ng hagupit ng bagyong Kristine.
Sa kasalukuyan ay naging dahilan din ang mga nakakalat na debris na hindi pa nalilinis kung kaya’t hindi pa rin passable o hindi pa madaanan ang nasabing tulay.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Shirley Mercado Nipaz, ang head ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa bayan ng Agno, hanggang nagyon ay hindi pa madaanan ang nasabing tulay kahit na ilang beses nang nagsagawa ng debris clearing ang opisina sa nasabing lugar, dahil sa mga debris na nakakalat.
Aniya, ang mga debris galing sa ibang lugar tulad ng Burgos at Mabini ay nasasalo ng bayan debris tulad ng mga kahoy at kawayan na naging dahilan kung bakit hindi pa madaanan ang nasabing tulay
Dagdag nito, naging dahilan ang kinalalagyan ng lugar kung bakit ganoon ang naging sitwasyon, kung saan binansagan itong catch basin.