Dagupan City – ‎Nanatiling naka-full alert ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng San Jacinto sa kabila ng kawalan ng banta sa kasalukuyan.

‎Ayon sa MDRRMO, tuloy-tuloy ang kanilang operasyon gaya ng roving, koordinasyon, at mabilisang pagresponde katuwang ang iba’t ibang ahensiya. Hindi nila hinihintay ang sakuna bago kumilo bagkus, 24 oras silang nagbabantay para tiyaking ligtas ang bawat residente.

‎Bahagi ito ng mas pinaigting na paghahanda ng lokal na pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng kalamidad man o hindi.

‎Sa regular na monitoring at mabilis na ugnayan sa mga barangay, nais nilang mapanatiling matatag ang buong komunidad sa gitna ng pabagu-bagong panahon at anumang uri ng panganib.

‎Para sa MDRRMO ng San Jacinto, hindi lang umano dapat tuwing may emergency maging handa kundi dapat palaging alerto sa ano mang panahon.