DAGUPAN CITY- Normal pa rin ang takbo ng operasyon sa San Fabian bach at may mga mangilan-ngilan na ring pumupunta rito.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Lope Juguilon, ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng San Fabian, hindi pa bmabalik sa dati ang shore line magmula nang manalasa ang bagyong Pepito.
Aniya, may mga inaanod pa ring mga kaoy sa dalampasigan kaya’t hindi pa masyadong dinarayo ng mga tao.
Dagdag niya, malaki talaga ang naging epekto ng storm surge dulot ng bagyong Pepito kaya’t hindi pa ganoon ka-ganda ang estado ng nasabing beach.
Sa ngayon ay may mga mangilan-ngilan pang pumupunta at inaasahang daragsain sa mga susunod na mga araw.
Normal pa rin aniya ang takbo ng operasyon ng nasabing lugar.