Dagupan City – Nagsagawa ng koordinasyon ang mga tauhan ng San Carlos City Police Station (CPS) sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng San Carlos City bilang bahagi ng paghahanda at pagtugon sa banta ng Tropical Depression “Luis.”

Isinagawa ang koordinasyon sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Keith D. Calub, Officer-in-Charge ng San Carlos CPS, upang mapalakas ang ugnayan ng mga ahensyang sangkot sa disaster response at matiyak ang agarang pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang sakaling lumala ang epekto ng sama ng panahon.

Kabilang sa mga tinalakay ang mga hakbang sa paghahanda, mabilis na pagtugon sa mga posibleng insidente, at pagpapanatili ng kaligtasan ng mga residente.

--Ads--

Patuloy namang nakikipagtulungan ang San Carlos CPS sa CDRRMO at iba pang kaugnay na ahensya upang matiyak ang maayos na koordinasyon at maagap na serbisyo sa publiko sa panahon ng kalamidad.