DAGUPAN CITY–Nangunguna ang lungsod ng San Carlos sa may pinakamaraming poor households o mahihirap na pamilya sa buong probinsya ng Pangasinan.
Ayon kay DSWD Regional Information Officer Darwin Chan, pasok sa top 5 category ng kanilang listahanan ang San Carlos City na mayroong 8, 899 poor households, pangalawa ang bayan ng Bayambang na may 5, 913 households, pangatlo ang Malasiqui, ika-apat ang lungsod ng Dagupan na mayroong 4, 406 poor households at pang lima ang bayan ng Bolinao na mayroong 4, 203 households.
Aniya, sa pamamagitan ng kanilang programa na National Household Targeting System for Poverty Reduction o listahanan ay natutukoy kung saan at sinu-sino ang mga mahihirap nating kababayan.
Ang listahanan ay nagiging basehan ng iba’t-ibang kagawaran at ahensiya para bigyan ng nararapat na serbisyo at programa ang bawat mahihirap na pamilya na nangangailangan.