DAGUPAN CITY– Mariing kinondina ni San Carlos City Mayor Jullier Resuello ang pananambang kay dating Pangasinan Cong. Amado Espino Jr., sa lungsod ng San Carlos noong Setyembre 11.


Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, inalala ni mayor Resuello ang nangyaring pamamaril at pagpatay sa kanyang ama na si dating Mayor Julian Resuello na binaril at pinatay sa City Plaza noong 2007.


Pero maswerte ang dating gobernador dahil naisugod ito sa malapit na ospital.

--Ads--


Inilarawan niya na napaka brutal ang pagkakabaril sa mga biktima.

Sinabi ni Resuello na hindi nila papayagan na maulit ang krimen sa kanilang siyudad.


Sa ngayon ay mas pinaigting pa ang security measures sa kanilang lungsod para maiwasan na may maganap na mga criminal activities.