DAGUPAN CITY–Pinatotohanan ni Samahang Industriya ng Agrikutura (SINAG) chairman Engr. Rosendo So, ang malaking pagtaas ng pag-aangkat ng Pilipinas ng bigas mula sa ibang bansa. Ito ay kaugnay sa paglalabas ng United States Department of Agriculture, Foreign Agricultural Services ang datos ukol sa paghigit umano ng Pilipinas sa China sa aspeto ng Rice Importation.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. So, inihayag nito na Enero hanggang Pebrero, bago pa man ipatupad ang Rice Tarrification Law ay nag-angkat na ang bansa ng 1.5 Million Metric Tons ng bigas. Nasundan pa ito ng 1.5 million metric tons matapos ipatupad ang naturang batas. Sa kabuuan, nasa 3 million metric tons ang itinaas ng inangkat na bigas ng Pilipinas kumpara sa Tsina na mas malayong mas mataas ang populasyon at maunlad ang ekonomiya.
Pinabulaanan naman ni So ang tila hindi nararamdaamang epekto ng Rice Tarrification sa bansa kung saan madami pa din sa ating mga kababayan ang umaaray sa presyo ng mga bigas sa pamilihan.
Aniya, base sa kanilang monitoring, mayroon ng pagbaba sa presyo ng bigas kung saan ang dating P36 hanggang P40 ay mabibili na ngayon sa halagang P28 hangang P32 na siyang bago ng Suggested Retail Price bagamat marami ang hindi nakakapansin nito.