Walang nakikitang dahilan para magdeklara ng state of emergency sa sektor ng agrikultura.
Ito ang pagtitiyak ng Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa posibleng pagdeklara ng state of emergency sa naturang sektor.

Ayon kay Engr. Rosendo So, ang chairman ng SINAG, ilan lamang naman umano sa mga konsiderasyon para magdeklara ng state of emergency kung; may pagbaba sa produkyon o kaya naman ay problema sa stock ng mga naturang produkto.

Aniya, sa ngayon ay may sapat na suplay sa mga agriculture products at walang nakikitang problema sa produksyon nito sa susunod na 100 araw.

--Ads--

Patuloy naman umano ngayon ang pagtatanim ng mga magsasaka ng palay at mais at patuloy rin ang produksyon sa mga ani ng iba pang mga panananim.

Isa lamang naman sa maaring banta sa produkyon at stock ay ang mga kalamidad o pagtama ng sakit sa mga alagang mga hayop gaya na lamang ng African swine fever sa baboy, at bird flu sa mga manok.