DAGUPAN CITY- Kumilos agad si Malasiqui Mayor Alfe M. Soriano para sa kapakanan ng bayan.
Aniya na Vice mayor pa lang, deretsong serbisyo na ang kanyang ibinibigay, kagaya ng ayuda na mula mismo sa kanya na hatid para sa bawat barangay.
Ayon kay Mayor Soriano, hindi bago sa kanya ang maglingkod, kaya ngayong mayor na siya, isa sa mga pangunahing tinutukan niya ay ang kampanya kontra ilegal na droga.
Ganun na rin ang koordinasyon sa Philippine National Police (PNP Malasiqui) upang sugpuin ang kriminalidad na unti-unting nadaragdagan ngayon sa bayan ng Malasiqui.
Idiniin ng alkalde na hindi dapat manahimik sa harap ng sunod-sunod na krimen.
Kailangan aniyang magkaisa ang kapulisan, mga opisyal ng barangay, at mismong mga mamamayan upang mapanatili ang kaayusan sa buong bayan.
Kasama sa kanyang aksyon ang direktang pag-iikot sa mga barangay upang matiyak na nabibigyan ng pansin ang mga hinaing ng bawat isa.
Isinulong rin niya ang pagtutok sa kahirapan na isa sa mga pangunahing suliraning kinakaharap ng Malasiqui.