DAGUPAN – Matapos kumpirmahin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na may mga mararanasan pa ring mga aftershocks ng lindol na maaaring tumagal mula dalawa hanggang tatlong araw, ay naglabas din ng anunsyo ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na may binabantayan ngayon na Low Pressure Area (LPA) sa bahaging silangan ng Basco, Batanes.
Datapwat marami ng ahensya ng lokal na gobyerno ang tumutugon sa relief operations para sa mga nasalanta ng tinatawag ngayon na Abra Earthquake, nangangamba ang ilan sa maaaring dagdag na perwisyo ng sama ng panahon.
Sa panayam kay Office of the Civil Defense (OCD) Region I Spokesperson, Mark Masudog, maraming barangay at local government unit sa Ilocos Sur ang nagsasagawa ngayon ng pre-emptive evacuation at measures para masiguro ang kaligtasan ng mga residente.
Sinisuguro at ginagawa rin ng lokal na pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya upang maibigay nila ang mga pangangailangan at iba pang mga tulong sa mga naapektuhang residente sa mga evacuation center.