Kalunus-lunos ang sinapit ng apat na katao sa salpukan ng motorsiklo sa kasalubong na tricycle matapos mag-overtake sa kahabaan ng Barangay Mancup sa bayan ng Calasiao na ikinasawi ng driver ng motorsiklo habang nasa kritikal na kalagayan naman ang driver ng tricycle.

Dead on arrival ang driver ng motorsiklo na si Argen Manaois habang nasa kritikal na kalagayan pa sa ngayon ang driver ng tricycle na si Leonardo Laforteza, 26 anyos.

Nasa maayos naman ng kondisyon ang pasahero ng tricycle na si Bernardino Tarao at angkas ng nasawing driver ng motorsiklo na isang menor de edad na kasalukuyang nagpapagaling sa Pangasinan Provincial Hospital sa San Carlos City.

--Ads--

Ayon kay PLtCol. Ferdinand de Asis, hepe ng Calasiao PS, parehong mabilis ang pagpapatakbo ng dalawang sasakyan.

Nang subukang magovertake ng driver ng motorsiklo nasakop nito ang lane na binabagtas ng tricycle na nagresulta sa banggaan.

Voice of PLtCol. Ferdinand de Asis

Napag-alaman na magkamag-anak ang mga sangkot sa aksidente kung kaya’t hindi na maghahabla pa ng kaso.

Aniya ng hepe, katatapos lamang ng ulan at madulas ang kalsada ng mangyari ang insdente kaya paalala ng opisyal na magkaroon ng ibayong pag-iingat at disiplina upang maiwasan ang mga aksidente sa kakalsadahan.

Samantala, nakarekober na rin mula sa civid19 ang 21 pnp personnel ng calasiao PS na nagpositibo sa sakit kabilang na dito ang 7 Field Training Program (FTP) trainee at isang detainee o PUPP o Person Under Police Custody at nanatiling asymptomatic ang mga ito o hindi nakaranas ng anumang sintomas ng covid. (with reports of Bombo Everly Rico)