DAGUPAN CITY- Salary increase umano ang hinihintay ng hanay ng mga kaguruan na ianunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at hindi ang P20 kada kilo ng bigas na kanila nang mabibili.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ruby Bernardo, National Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines, aniya, maganda man ang P20 na bigas subalit, hindi rin ito buong makatutulong kung wala rin naman silang pambili nito.
Aniya, magkakaroon na ng pagtaas ng sahod ang mga uniformed personel at military para 2026 subalit, patuloy pa rin napag-iiwanan ang mga kaguruan.
Katulad ng mga health personel, matagal na nilang ipinanawagan ang naturang pagtaas at hanggang ngayon ay hindi pa pinakikinggan ng gobyerno.
Ang kasalukuyang entry level na sahod ng mga guro ay nagkakaroon pa ng mga pagbawas upang hindi maging sapat para maituring na nakabubuhay.
Ani Bernardo, ito ang dahilan kung bakit mas pinipili na lamang ng mga guro na mangibang bansa lamang.
At matibay ang kanilang paniniwala na ang kanilang hinihinging sahod ay napupunta lamang sa umiiral na korapsyon sa loob ng gobyerno.
Samantala, hindi pa rin nawawala sa mga guro na masubukan ang nasabing P20 kada kilo na bigas.










