BOMBO DAGUPAN – Naglabas ng saloobin si Sabrina M. sa maingay na usapin ngayon tungkol sa sexual harassment issue sa loob ng showbiz.

Ito ay matapos ang mga rebelasyon ng baguhang aktor na si Sandro Muhlach, ng singer na si Gerald Santos, at ng isang male talent ng isang tv network.

Noong kasagsagan ng kanyang career, sunud-sunod noon ang ginawang sexy films ni Sabrina M. pero masuwerte raw siyang hindi nakaranas ng seksuwal na pang-aabuso.

--Ads--

Saad niya, na noong panahon na gumagawa siya ng sexy film ay palagingmay wall.

Katulad ng kunyari may mga ginagawa siyang sexy films, ang nandun lang sa kuwarto ay kanyang director, cameraman at ang leading man lang niya ang puwedeng pumasok.

At ang mga sexual harassment na yan ay hindi niya binigyan ng pagkakataon.

Aminado naman siya na meron daw ilang leading men noon na nagyayaya matapos ang ilang maselan nilang eksena.

Aminado naman siya na meron daw ilang leading men noon na nagyayaya matapos ang ilang maselan nilang eksena.