Napili ang pelikulang “SA LAYAG NG BANGKANG PAURONG” ni Giddel Liwanag sa film exhibition ng University of Washington at South East Asia Center.


Ayon kay Raquel Rarang Rivera, Layag Production Adviser ng Alaminos City National Highschool, ang nagustuhan sa nasabing pelikula ay ang realidad sa South East Asia.

Nakapaloob kasi sa nasabing pelikula ang mga ibat ibang social issues hindi lang ang kahirapan, edukasyon, kasama ang teenage pregnancy, at pagdami ng populasyon dahil sa kakulangan ng edukasyon.

--Ads--


Ipinapakita rin sa pelikulang ito na bata pa lang ay natututo na silang magtrabaho at hindi na natutukan ang pag aaral.

Kaya naman napili ang pelikula dahil kailangan na ipaalam sa mga audience sa abroad na may nangyayari talagang ganitong situwasyon o pangyayari sa ibang bahagi ng mundo.


Dahil documentary at realistic, ito ay advocacy campaign para mabigyan ng solusyon ang problema ayon pa kay Rivera.


Sa panig naman ni Mark Giddel Liwanag, director nasabing pelikula at estudyante mula sa Alaminos City National High school, nais niyang madagdagan pa ang gawa niyang documentary film.

Aminado naman siya na may pressure dahil marami silang awards at recognition na natatangap.

Samantala, sinabi ni Hannah Ragudos na dahil sa restrictions ay medyo hindi sila nakagawa ng mga films pero kamakailan ay may natapos silang anim na short film na ginawa sa oob ng dalawang araw na shotting. Sa panig niya ay sumulat at nakapagdirehe rin siya ng isang maikling pelikula na tumatalakay sa mental health.

Ayon naman kay Karl Draizen Angan Angan, hindi importante ang cash prize o kikitain at mahalaga ay maipakita ang istorya sa mga kabataan at magbigay inspirasyon sa mga tao.

At para naman kay Jezreel Necesito, hindi madali ang paggawa ng pelikula dahil kailangang mag-isip kung ano ang ipapakita sa lipunan, ano ang epekto sa kabataan at anong makukuha nila sa pelikula.