Binalik na sa normal ng Public Order and Safety Office o POSO Dagupan City ang mga dating ruta ng mga jeep at bus magmula nang natapos ang ilang konstruksyon ng kakalsadahan sa mga main road sa lungsod.
Ayon kay Rexon De Vera ang Deputy Chief ng nasabing opisina na pinayagan na ang mga jeep na rutang calasiao na muling dumaan sa Perez Blvd paliko ng Mayombo habang ang jeep na papuntang east bound gaya biyaheng San Jacinto, Mapanda, Mangaldan, San Fabian at Manaoag na dumaan na sa Rizal St. to Perez blvd. papuntang MH Del pilar.
Sa bus naman na galing Camiling ay maari na silang dumaan deritso sa Perez Blvd. paliko sa MH. Del pilar na dederitsi sa arellano st. patungo sa kanilang terminal.
Saad pa nito na hindi na gaanong nagkakaroon ng pagbigat ng trapiko sa parte ng Welcome Rotondo sa Perez Blvd. dahil tapos na ang kalsada dito ngunit ang nakikita lamang nila na maaring magkaroon ng trapiko ay sa parte ng Rizal St. to Rivera St. ngunit nagdagdag na sila ng tauhan para mamonitor ang lugar sa posibleng traffic build up.
Samantala, nananatili parin na one way ang parte ng Perez- Rizal dahil sa ginagawang pagsasaayos ng kalsada dito habang sa parte ng Burgos ext. sa Barangay Tapuac ay nasa 3 lane na ang puedeng madaanan dito.
Pinag-aaralan pa aniya nila kung ano pa ang maaring kalabasan ng nasabing pagbabalik sa dating ruta ngunit ang naging reaksyon naman ng iba dito lalo na ang mga estudyante ay naging convenient na sa kanila dahil hindi na sila maglalakad patungo sa kanilang lugar na pupuntahan.