Inihayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ide-deport pabalik sa Russia ang Russian vlogger na inaresto dahil sa pangha-harass umano sa mga Pilipino sa Taguig City.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), tapos na ang mga kasong hinarap ni Vitaly Zdorovetskiy sa Metropolitan Trial Court at Regional Trial Court ng Taguig at itinuturing nang served ang kanyang mga parusa.

Nakikipag-ugnayan na rin ang BI sa mga awtoridad ng Russia para sa kanyang deportation.

--Ads--

Paalala ni Remulla, bukas ang Pilipinas sa mga turista, ngunit inaasahan ang paggalang sa batas at sa mamamayang Pilipino.