Nangangalap ngayon ng ebedensiya ang Russia kaugnay sa paglalagay ng Biological Laboratory ng US sa Ukraine.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Genevive Dignadice Bombo International News Correspondent sa Russia na may nakitang file nang mahack ng Russia ang website ng Ukraine kaugnay sa order o utos ng US na siran ang lahat ng pathogens at ebedensiya sa naturang laboratoryo.
Ito aniya ay noong February 24 kung kailan nagdesisyon ang Russia na magsagawa ng operasyon laban sa Ukraine.
Kapag napatunayan aniya ay magkakaroon ng violation ang nabanggit na bansa.
Aniya maari namang magkaroon ng biological laboratory ang Amerika ngunit hindi tama na sa Ukraine ito patayo lalot hindi naman nito teritoryo ang naturang bansa .
Nangangamba sila sa posibleng negatibong epekto nito tulad ng pagkakaroon ng Anthrax , cholera at iba pa.
Kamakailan din aniya ay hiniling ng Ukraine sa UN at NATO na sanay huwag mapasakamay ng Russia ang naturang laboratoryo.