BOMBO DAGUPAN – Nagsagawa muli ng panibagong mga welga ang Russia kung saan muli nitong tinarget ang Ukraine, isang araw matapos ang isa sa pinakamalaking air strike nito.

Ang mga air raid alerts ay inilabas nang maaga ngayonga araw, dahil namonitor ng mga tagasubaybay ng Ukraine na naglulunsad ng mga hypersonic missiles ang sasakyang panghimpapawid ng Russia. Naiulat din ang mga mass drone attacks.

Sinabi ng air defense forces ng Ukraine na ang buong bansa ay nasa ilalim ng banta ng ballistic weapon attack.

--Ads--

Ayon sa isang pahayag mula sa Russian defense ministry na ang long-range air at sea-based precision weaponry ay ginamit upang tamaan ang mga power station at mga kaugnay na imprastraktura sa buong Ukraine, kabilang ang sa Kyiv, Lviv at sa mga rehiyon ng Kharkiv at Odesa.

Hindi naman bababa sa anim na tao ang nasawi mula Linggo hanggang Lunes at dose-dosena ang nasugatan habang mahigit kalahati ng mga rehiyon ng Ukraine ang inatake ng mga drone at missiles.

Kaugnay nito ay natamaan ang imprastraktura ng kuryente na nagdulot ng blackout sa maraming lungsod, na apektado rin ng mga suplay ng tubig.