‘Hindi gagawa ng mga military attack ang Russia sa mga lugar na may mga sibilyan.”
Ito umano ang pahayag ni Russian President Vladimir Putin sa gitna ng mas tumitinding tensyon sa pagitan ng kanilang bansa at sa Ukraine.
Ayon kay Bombo International Correspondent Genevive Dignadice mula sa Moscow, Russia, batay sa pahayag ng naturang pangulo, tanging ang mga military base ang siya lamang maaring salakayin ng kanilang militar at hindi sa mga may mga lugar na maaring maraming sibilyan ang maaring madamay.
Aniya, nagsimula naman na umanong mag-move back ang pwersa ng Ukraine sa boundary at umaasa ito na hindi mas lumalala ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa pinakahuling pahayag din ni Putin ipinaliwanag nito sa kanyang nasasakupan ang rason ng kanilang ginagawang hakbang at nanatiling kalmado naman ang sitwasyon sa naturang bansa lalo at may tiwala naman umano karamihan sa mga tao doon sa kanilang lider.