DAGUPAN CITY- Mga Kabombo! Isa ka ba sa mga nagsusuot ng takong?
Kung kaya mo itong ilakad, kaya mo rin kaya itong gamitin sa pagtakbo?
Suot kasi ang mga nakakatindig-balahibong matataas na takong, daan-daang matapang na kalahok ang nagkarerahan sa kalsada ng Chueca district sa Madrid bilang bahagi ng taunang High Heel Race na ginaganap tuwing Pride Week.
Sa ika-26 na taon ng karera, naging bahagi ito ng selebrasyon ng LGBTQ+ Pride Week sa kabisera ng Espanya, na taon-taong dinarayo ng maraming tagapanood mga lokal man o turista upang masaksihan ang makulay at masayang paligsahan sa mga batong lansangan ng Chueca.
Sa edisyong ito ng karera, itinanghal na kampeon si Raúl Rodríguez, 25 taong gulang, na nag-uwi ng premyo.
Magpapatuloy ang selebrasyon ng Pride sa Madrid, kung saan inaasahang libo-libong tao ang dadalo sa inaabangang parada.