DAGUPAN CITY– Nagbigay na ng pahayag ang Bukingham palace ukol sa parte ng naging pahayag ni Meghan Markle sa panayam ni Oprah Winfrey hingil sa isyu ng umano’y racism sa royal family.
Ayon kay Bombo International Correspondent Grant Gannaban-O’Neill mula sa United Kingdom, batay sa tagapagsalita ng nabanggit na tanggapan, seryosong niriresolba ng royal family ang anumang mga kaso ng racism na itinuturing na isang concern sa kanilang bansa.
Ngunit ayon kay Gannaban-O’Neill, isang pribadong usapin ang nangyayari ngayon sa royal family na kailangan na maaddress ng sila lamang.
Gaya umano ng mga problema ng mga ordinaryong pamilya, ang mga ganitong mga isyu ay kailangan na maresolba ng pribado nang hindi na isinasapubliko na hindi na dapat umanong “i-brag” ni Markle.
Personal naman na umanong ipinopromote ng royal family ang may kaugnayan sa mental health sa United Kingdom lalo pa’t nakakaalarma sa ngayon ang bilang ng naitatalang nagpapakamatay sa kanilang bansa
Dagdag pa niya, hindi umano aasahan na direktang magbibigay ng anumang pahayag si Queen Elizabeth sa naturang usapin dahil maaari lamang umanong makaapekto sa stand ng royal family lalo pa’t siya ang itinuturing na Head of Church, Politics and States sa nabanggit na bansa.