Dagupan City – Nagpatupad ng Oplan Semana Santa 2025 ang lalawigan ng Pangasinan upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista at beachgoers sa Capitol Beachfront at Lingayen-Estanza Beach.
Alinsunod sa direktiba ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at ng pamahalaang panlalawigan, layunin ng inisyatiba na masigurong matiwasay at mapayapa ang paggunita ng Holy Week sa mga pampublikong lugar.
Katuwang sa operasyon ang mga tauhan ng 104th Regional Community Defense Group (RCDG), Task Force Baywalk ng Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Provincial Health Office (PHO), PDRRMO, at iba pang miyembro ng PDRRM Council response clusters.
Bahagi ng aktibidad ang pagpapatuloy ng roving o patrolling operations sa kahabaan ng Lingayen-Binmaley beach.
Layunin nitong tiyakin na nasusunod ang mga ipinatutupad na safety protocols at ordinansa, partikular na sa mga lugar na dinarayo ng publiko ngayong Semana Santa.
Kasabay nito, aktibo ring nagbabantay ang PDRRMO Emergency Operations Center (EOC) upang magbigay ng mga paalala at gabay sa mga mamamayan.