Maraming Pilipino ang dumalo sa rosary prayer ginanap kagabi sa St. Peter’s Square sa pangunguna ni Cardinal Tagle upang ipagdasal ang kalusugan ni Pope Francis.
Ito ay matapos magkasakit ng Santo Papa at nananatiling kritikal pero stable na ang lagay ng kalusugan nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Demetrio-Bong Ragudo Rafanan, Bombo International News Correspondent sa Italy bagama’t ay bumubuti na ang kalagyan ng Santo Papa ay sumailalim parin ito sa CT scan para mamonitor ang kaniyang bilateral pneumonia.
Aniya na simula ng maipa-ulat ang kalagayan nito ay ikinabahala ng buong mundo ang kalusugan ng Santo Papa.
Hindi naman bago ang paglaganap ng mga ganitong sakit sa Europa lalo na at winter season ngayon sa kanilang bansa
Marahil may edad ng ang Santo Papa aniya kaya’t mas naging komplikado ang pagkakaroon niya ng ganitong sakit.
Kaya’t umaasa si Rafanan na mas bubuti pa ang lagay ni Pope Francis sa mga susunod pang araw.