Kinumpirma ng ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng bayan ng Rosales, na nakaranas sila ng severe thunderstorm.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni MDRRMO Rosales head Maj. Juanito dela Cruz, na nakaranas sila ng malakas na pag-ulan sa kanilang bayan bagamat may ilang lugar din doon na sandaling nakaranas ng pag-ulan ng yelo.

Dahil aniya dito ay may mga natumba ding ilang mga puno na agad ding naalis sa mga daan.

--Ads--

Inihayag naman nito na walang namatay dahil sa insedente.

Inamin pa ni Dela Cruz na bagamat nakararanas ng malakas na pag-ulan ang bayan ay ngayon lamang naranasan ang ganitong uri ng pangyayari.

Dagdag pa ng opisyal, base sa kanilang nakalap na impormasyon ay nakaranas din ng pag-ulan ang karatig nilang mga lugar gaya sa Balungao, Villasis at lalawigan ng Tarlac.

Samantala, pinawi naman ni Dela Cruz ang pangamba ng ilan kaugnay sa nangyaring severe thunderstorm sa ilang maling paniniwala hinggil sa naranasang sun halo noong linggo na indikasyon na ito ng katapusan ng mundo.

Inihayag naman ni Dela Cruz, na bagamat may natanggap silang impormasyon higgil sa pagbagsak ng ilang bahagi ng isang malaking mall sa kanilang nasasakupan matapos ang matinding pag-ulan na naranasan na nagresulta sa pagkasira ng ilang mga sasakyan na nakaparada sa parking lot nito ay walang pormal na report na natanggap ang kanilang hanay hinggil sa kung ilang bilang ng mga sasakyan ang naapektuhan.