Sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na dapat dumalo si dating House Speaker Martin Romualdez sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Nobyembre at Enero upang doon sana pabulaanan ang mga alegasyon laban sa kanya kaugnay ng umano’y katiwalian sa 2025 budget partikular na sa pondo ng mga proyektong flood control ng gobyerno. 

Ayon kay Lacson, nagpadala ang komite ng hindi bababa sa dalawang imbitasyon kay Romualdez na dumaan sa tanggapan ni Speaker Faustino Dy III, alinsunod sa prinsipyo ng inter-parliamentary courtesy upang tumugon sa mga paratang na nag-uugnay sa kanya sa kontrobersyal na flood control projects anomalies at katiwalian sa budget. 

Ngunit hindi sumipot ang kongresista sa pagdinig noon Nobyembre 14 at Enero 19. 

--Ads--

Nitong Martes, naglabas ng video statement si Romualdez kung saan mariing itinanggi ng dating house speaker na sangkot siya sa talakayan ng 2025 budget, itinuro rin niya sina dating Senate President Chiz Escudero at Ex-Rep. Zaldy Co na umanong bahagi ng bicameral conference committee na gumawa ng mga pagbabago sa General Appropriations Billl (GAB) matapos itong maaptubahan ng Senado at Kamara. 

Sa ngayon ay wala pang itinakdang araw kung kailan ang susunod na pagdinig ng Blue Ribbon Committee hinggil sa imbesitgasyon ng umano’y mga anomalya sa flood control projects. Ngunit matatandaan na nauna nang sinabi ni Lacson na pansamantala munang ipagpapaliban ito hanggga’t hindi pa kumpleto ang pirma ng partial committee report at ma-ipresinta ito sa plenaryo.