Dagupan City – Ipinapaabot ng Department of Agriculture ang mas malawak na rollout ng P20 rice program sa buong Pangasinan simula Enero 2026, bilang bahagi ng target na maabot ang 15 milyong kabahayan sa pagtatapos ng taon.

Mula sa mga pinaka-nangangailangan tulad ng 4Ps beneficiaries, persons with disabilities, senior citizens, single parents, pinalawak ang programa para maabot din ang mga tricycle drivers, magsasaka, mangingisda, minimum-wage earners, guro, at iba pang kawani ng paaralan.

Inilalaan ang P23 bilyon para sa subsidyo ng programang ito, ngunit posibleng bumaba ang pondo kapag naaprubahan ang panukalang batas para sa mas maayos na pamamahala ng NFA sa suplay at demand ng bigas.

--Ads--

Sa bagong plano, lahat ng karapat-dapat na household sa lalawigan ay makakabili ng bigas sa halagang P20/kilo.

May mga limitasyon sa bibiling bigas, senior citizens hanggang 30 kilo/buwan, at iba pang beneficiaries hanggang 10 kilo.

Target na magkaroon ng access point sa bawat bayan at palawakin ang Kadiwa stores sa 3,000 pagsapit ng 2028.