Dapat abangan ng mga motorista ang pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, sa oras ng Bisperas ng Bagong Taon.

Batay sa internasyonal na kalakalan sa nakalipas na apat na araw, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na “magkakaroon ng inaasahang rollback sa domestic pump prices.”

Kung saan ang tinantyang pababang pagsasaayos sa presyo ng fuel pump ay ang mga sumusunod:

--Ads--

Gasoline – P0.30 hanggang P0.65 kada litro

Diesel – P0.30 hanggang P0.55 kada litro

Kerosene – P0.80 hanggang P0.90 kada litro

Ayon kay Romero ang tinantyang pagsasaayos na ito ay bunsod ng patuloy na pag-asa ng IEA (International Energy Agency) sa isang oversupplied na merkado ng langis sa 2025 kahit na ang OPEC+ (Organization of the Petroleum Exporting Countries Plus) ay nanatiling matatag ang produksyon o patuloy na inaantala ang pag-unwinding ng mga boluntaryong pagbawas sa produksyon nito.

Ang mga kumpanya ng gasolina ay nag-aanunsyo ng opisyal na pagsasaayos ng presyo kada litro sa mga produktong petrolyo tuwing Lunes, na magkakabisa sa susunod na araw.