Aasahan ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa araw ng Martes, Agosto 12.

Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Ass. Dir. Rodela Romero, base sa international petroleum trading sa nakalipas na apat na araw, inaasahan ang rollback sa gasolina na humigit-kumulang P0.25 kada litro.

Sa diesel naman inaasahang magpapatupad ng tapyas na humigit-kumulang P1.25 kada litro habang sa kerosene naman inaasahan ang bawas na humigit-kumulang P1.20 kada litro.

--Ads--

Ilan sa mga tinukoy ni Ass. Dir. Romero na ang pangunahing mga dahilan sa mas mababang presyo ng langis sa susunod na linggo ay ang pagtaas ng produksiyon ng OPEC+ at patuloy na kawalan ng katiyakan sa US tariff policy.

Nakatakda namang ianunsiyo ng mga kompaniya ng langis ang opisyal na presyo ng mga produktong langis sa Lunes at ipapatupad sa araw ng Martes, Agosto 11.