Isang magandang balita para sa mga motorista ang ipinatupad na pagsasaayos sa produktong petrolyo ngayon araw dahil makalipas ang 3 linggong pagtaas ay magkakaroon na ng roll back bukas, Enero 28.

Sa magkahiwalay na abiso, ang Seaoil Philippines Corp,. at Shell Pilipinas Corp. ay magkakaroon ng pagbaba sa gasolina ng P0.80 kada litro, P0.20 naman kada litro sa diesel, at P0.50 kada litro sa kerosene.

Ipapatupad rin ng Cleanfuel ang parehong pagbaba, maliban lamang sa kerosene na hindi naman nila dala.

--Ads--

Magkakabisa naman ang pagsasaayos bukas ng Alas-6 ng umaga para sa lahat na mga kumpanya, maliban na lamang sa Cleanfuel na ipapatupad ng alas 8:01 ng umaga.