Mga kabombo! Alam mo na ba hindi lamang maglakad, tumakbo, o mag-serve ang ginagawa ng isang robot?

Dahil ayon sa mga eksperto, kaya na rin nitong magdalang tao?

How true! Umani kasi nang malawakang diskusyon at kontrobersiya ang ulat na malapit nang makumpleto ang kauna-unahang humanoid surrogate robot sa China!

--Ads--

Sa katunayan, nito lamang Agosto 8, inihayag ni Zhang Qifeng, CEO ng robotics startup na Kaiwa Technology, na malapit nang matapos ang kanilang “humanoid pregnancy robot”.

Ang robot ay mayroong isang advanced na “incubation pod” o artipisyal na sinapupunan na naka­lagay sa tiyan nito.

Ayon kay Zhang, kaya ng robot na magdala ng 10 buwang pagbubuntis at magsilang ng sanggol, tulad ng isang tunay na tao.

Kung saan ang artipisyal na sinapupunan, ang embryo ay aalagaan sa amniotic fluid at bibigyan ng sustansya sa pamamagitan ng isang tubo na konektado sa pusod.

Sinabi ni Zhang na matagumpay na ang teknolohiya sa mga pagsusuri sa hayop at inaasahang ilulunsad ang robot sa loob ng isang taon.

Ang balita ay mabilis na kumalat sa social media at nagdulot ng magkasalungat na reaksiyon. Tinawag ito ng mga kritiko na “hindi natural” dahil inaalis umano nito ang koneksiyon ng isang sanggol sa kanyang tunay na ina.

Sa kabilang banda, marami rin ang sumuporta sa ideya.

Para sa mga nahihirapang magkaanak at sa mga naniniwalang ito ay isang paraan upang “palayain ang mga kababaihan” mula sa mga pasanin ng pagbubuntis, ang teknolohiyang ito ay malaking pag-asa.

Gayunman, nagpahayag ng pagdududa ang mga medical expert.

Ayon sa kanila, hindi pa lubusang nauunawaan ang mga kritikal na aspeto ng pagbubuntis ng tao, tulad ng maternal hormone secretion at immune system interaction.