DAGUPAN CITY- Naging matagumpay ang roadshow ng automated counting machine (ACM) sa bayan ng San Jacinto, matapos ang mahigit isang buwan na pagpapakita ng nasabing makinarya sa mga barangay sa nasabing bayan.

Ayon kay Maja Chakri Indon, Election Officer ng COMELEC San Jacinto, 19 na mga barangay sa bayan ng San Jacinto ang kanilang binisita upang magsagawa ng demonstration tungkol sa ACM.

Bilang bahagi ng kanilang layunin, binigyang pansin din ng COMELEC San Jacinto ang mga senior citizens.

--Ads--

Hinikayat ni Indon ang mga botante na tiyakin ang aktibong rehistrasyon sa kanilang mga lugar upang maiwasan ang anumang problema sa pagboto sa nalalapit na halalan.