Sa Riyadh, Saudi Arabia ay hindi umano nakakakitaan ng paglalatag ng plano ang gobierno roon na maririnig o mababasa sa kanilang mga balita hinggil sa mga tulong na kanilang ginawa, maging ng mga tulong na kanila palang gagawin.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa Founder at Pangulo ng Community of Filipino Achievers Inc. (CFAI), na si Diego Ferrer, maraming mga manggagawang Pilipino roon ang ‘No work, no pay’ na higit na apektado ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Dahil riyan, nang makaraan na may nakausap si Ferrer sa embahada ng Pilipinas doon ay sumulat lang umano sila nang sila ay mapaabutan ng karampatang tulong, hindi lang ang kanilang organisasyon ngunit kasama na rin ang iba pang Overseas Filipino Workers (OFW) sa naturang bansa na siya umano’y nagbigay pag-asa sa kanila.

--Ads--

Ani rin ni Ferrer na mayroon ng ipinatutupad doon na curfew hours, ito ay mula ala-siyete ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

Dagdag pa nito na mayroon ng 2, 463 na kumpirmadong kaso roon ng COVID-19 at patuloy pa itong tumataas.

Ang CFAI naman ay namamahagi ng ayuda sa ilang mga OFW sa nabanggit na lugar ng mga de lata, noodles, bigas, at maging kakanin.