Idiinin ng Magsasaka Partylist na hindi na dapat pa ipinasa ang Rice Tarrification Law sa bansa dahil sa mga epekto nito sa sektor ng agrikultura at mga mamamayan sa bansa kung saan hindi na hawak pa ng gobyerno ang presyo ng bigas dahil sa ipinasang batas.
Ayon sa panayam ng Bombo radyo Dagupan kay Argel Cabatbat, Chairman ng Magsasaka Partylist, dahil sa mga nangyayari sa bansa ay hindi na napagtutuunana ng pansin ang problema sa presyo ng bigas sa bansa.
Dagdag nito, kailangang gumawa ng panibagong batas upang makabalik sa dating proseso ang bansa pagdating sa presyuhan.
Pasalamat din ng grupo ang pagbuo ng Kinta committee na tumututukot sa problemang ito upang mapag-usapan ang ilang mga pangunahing probelema sa sektor ng agrikultura.
Ngunit sinabi niyang dapat ay noon pa ito isinagawa at kung tutuusin ay maliit na problema lang ito ngunit lumawak dahil hindi na napagtutuunan ng pansin.
Panawagan ng grupo sa mga mamamayan sa bansa na sana ay makiisa ang bawat isa sa panawagang pagababa ng presyo ng local na bigas at huwag umanong haluan ng politika ang paggawa ng solusyion ukol sa nasabing isyu