Very Effective. Ganito isinalarawan ni Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ukol sa Rice Tariffication Law (RTL) sa sektor ng agrikultura ng bansa.
Ayon kay Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), kung dati ay marami ang tumututol sa batas na ito pero nakikita na ang naitutulong nito sa mga magsasaka.
Sa katunayan may ilang mga mambabatas ang naghahangad na idivert ang pondo rito sa ibang proyekto
Para kay So, mas mainam na ibigay na lang umano na cash sa mga magsasaka at huwag nang idivert sa ibang proyekto gaya ng irigasyon at farm to market road.
Matatandaan na inilunsad ng House of Representatives Committee on Agriculture and Food ang pagsusuri sa bisa ng limang taong gulang na Rice Tariffication Law (RTL) sa sektor ng agrikultura ng bansa.
Samantala, walang nakikitang pagtaas at pagbaba sa presyo ng bigas sa kasalukuyan .
Sinabi ni So na walang nakikitang dahilan ng pagtaas ng presyo nito ngayon dahil ibinabase ang presyo nito sa world market.
Maliban lamang kung may ilalabas na subsidy ang pamahalaan para sa mga bumibiling consumer ay inaasahang may pagbaba sa presyo ng bigas.