Dagupan City – Pinaghahandaan na ngayon ng mga Rice retailers sa lungsod ng Dagupan ang nakatakdang pagtaas ng presyo nito sa pamilihan.
Ayon sa may-ari ng isang pwesto ng bigasan sa lungsod na si Jehan Juguilon, nakaramdam sila ng magkasamang paggalaw ng presyo, kung saan may mga bumaba at tumaas.
Aniya, ang pinakamababang presyo ng bigas sa kanilang pwesto ay nasa P39 habang nasa P57 naman kada kilo ang pinakamahal.
Samantala, ayon naman sa mamimiling si Patricia Garcia, iniisip na lamang nito sa naging pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado ay ang pagod ng mga magsasaka na siyang pangunahing apektadong sektor.
Matatandaan naman na tiniyak ng gobyerno ng Pilipinas na nananatiling sapat ang suplay ng bigas sa bansa sa kabila ng mga kalamidad.
Kung saan ay tiniyak din ng Chief Executive na ang ‘food security’ ng Pilipinas ay nananatiling maayos.