Dagupan City – Pinangunahan ng National Food Authority Eastern Pangasinan Office ang isinagawang Rice Procurement Program kamakailan sa bayan ng Tayug.

Nakikita ito na isang mahalagang hakbang upang suportahan ang mga magsasaka sa
sa bayan sa pamamagitan ng programang ito.

Naglalayon din ito na gabayan ang mga magsasaka sa proseso ng pagbebenta ng kanilang palay sa NFA na nagbibigay-diin sa mga pamantayan at parameter na sinusunod ng ahensya sa pagbili ng bigas.

--Ads--

Dinaluhan ito ng mga opisyal ng bayan ng Tayug na nagpapahiwatig ng kanilang pagsuporta sa mahalagang papel ng mga magsasaka sa pagpapaunlad ng agrikultura sa bayan.

Dahil dito ang presensya ng mga lokal na opisyal ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pagtataguyod ng mga programang kapaki-pakinabang sa mga magsasaka ng Tayug.

Sa pamamagitan ng programang ito, natutulungan ang mga magsasaka na mas maunawaan ang mga pamantayan sa pagbili ng NFA at kung paano nila mapapabuti ang kalidad ng kanilang produkto.

Kaugnay nito nagkaroon ng pagkakataon ang mga magsasaka sa bayan na makapagtanong at matuto mula sa mga eksperto ng NFA tungkol sa mga pamantayan sa pag-aani, pagpapatuyo, at pag-iimbak ng palay.

Samantala, patunay ang ginawang programa sa bayan ng patuloy na pagsisikap ng ahensya na suportahan ang mga magsasaka at palakasin ang sektor ng agrikultura sa Tayug at sa buong rehiyon dahil sa pamamagitan ng pagbibigay ng makatarungang presyo at pagtiyak ng maayos na proseso ng pagbili kaya makakasiguro ang ahensya na mabigyan ng seguridad sa pagkain at matutulungan ang bansa para sa pag-unlad ng ekonomiya. (Oliver Dacumos)