Tumaas pa ang inventory ng bigas sa Pilipinas nitong buwan ng Marso (2026).
Sa updated report na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo sa 1.88 million metric tons ang kabuuang stock ng bigas sa buong bansa sa naturang buwan.
Mas mataas ito ng 16.5% kumpara sa rice inventory noong March 2025 na umabot lamang sa 1.61 million metric tons.
Malaking bahagi ng tumaas na stock ay mula sa National Food Authority (NFA).
Tumaas ang stock ng ahensiya sa mga bodega nito ng halos 35%.
Tumaas din ng 15.9% ang stock ng bigas sa household habang 6.9% naman ang itinaas ng mga imbentaryo mula sa commercial sector.
Sa kabila nito, lumalabas na ang stock ng bigas sa bansa sa naturang buwan ay mas mababa ng 11.1% kumpara sa imbentaryo sa sinundan nitong buwan.








