Dagupan City – Isa umanong bagong inisyatiba ang ilunsad ng Department of Agriculture (DA) ngayong araw.
Ito ay ang Rice-for-All program na naglalayong gawing abot-kaya ang bigas sa bawa’t Pilipino.
Ang inisyatibang ito ay alinsunod umano sa P29 Rice Program, na nag-aalok ng mas murang bigas sa P29 kada kilo lamang para sa vulnerable sectors.
Ayon sa departamento, ang programa ay ibebenta sa publiko kung saan kabilang rito ang well-milled rice na nagmula sa rice importers at local traders na may limit naman na aabot sa 25 kilos kada customer kada araw.
Nilinaw naman DA Assistant Secretary at spokesperson Arnel de Mesa na ang Rice-for-All program ay unang iaalok muna sa apat na Kadiwa outlets na kinabibilangan ng FTI sa Taguig City, Bureau of Plant Industry sa Manila, Potrero sa Malabon, at sa Caloocan.