Dagupan City – Tinutukan ng Rural Health Unit I sa bayan ng Bayambang ng pagsasagawa inspeksyon ng Meat and Fish Section sa pampublikong pamilihan sa nasabing bayan.
Katuwang ng RHU sa nasabing aktibidad ang Office of the Special Economic Enterprise.
Layunin nito na matutukuan ang monitoring sa kalinisan ng naturang mga pwesto sa palengke.
Kanilang tinitiyak na ligtas ang mga paninda nang hindi naman ito ikapapahamak ng mga mamimili.
Ang regular na pagsusuri ng mga karne at isda ay tumutulong upang matiyak na ang mga ito ay sariwa.
Tumutulong din ito sa pagpapatupad ng mga lokal at pambansang regulasyon sa kaligtasan at kalidad ng pagkain, tulad ng mga pamantayan ng Department of Agriculture (DA) at National Meat Inspection Service (NMIS). (Nerissa Ventura)