Dagupan City – Mga kabombo! Ang bawat donasyon ng dugo ay itinuturing na isang malaking bahagi ng pagkakawanggawa at pagtulong sa kapwa.
Ito rin ay may malaking epekto sa buhay ng mga taong nangangailangan, ngunit lingid sa ating kaalaman hindi sa lahat ng pagkakataon ay kinakailangan pang makahanap ng kaparehas ng type ng dugo para lamang makatulong sa kapwa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rex Vincent Escano, Officer in Charge ng Office of the Chapter Administrator
PRC Pangasinan Chapter, ipinaliwanag nito ang kahalagahan ng mga blood donation drives at iba pang may kaugnayan sa usaping sa kalusugan.
Si Escano ay kabilang sa isang humanitarian organization o ang Philippine Red Cross, at nagtapos sa kursong nursing, dahil dito, isa siya sa mga nag-engganyo sa mga kapwa nurse upang mag-volunteer sa Red Cross.
Gaya na lamang ng pagbibigay ng primary healthcare intervention sa iba’t ibang komunidad, emergency response tuwing may mga sakuna o mga aksidente at sa pagpapalawig ng awareness sa kahalagahan ng pagdodonate ng dugo.
Matapos naman ang pagiging volunteer niya ng 3 taon ay nabigyan siya ng oportunidad na maging ‘blood donor recruitment officer’ ng red cross at kasunod nito ay chapter service representative for safety services.
Ngunit sa kabila nito, hindi naging madali para kau Escano ang pagiging isang volunteer dahil nakaranas din ito ng mga pagsubok, gaya na lamang ng pang araw-araw na dapat ma-survive ang financial at higit sa lahat ay ang paglalaan ng oras para ipakita ang dedekasyon sa bolunterismo.
Isa naman sa naging inspirasyon niya upang mas ipagpatuloy ang pagtulong sa kapwa ay ang nararanasan nitong satisfying/contentment tuwing makikita na nakangiti ang kanilang mga kliyente o maseserbisyuhan partikular na ang mga nangangailangan ng dugo at iba pang mga medical intervention.
Payo nito sa mga nagnanais din na pasukin o subukan ang humanitarian work sa pamamagitan ng pagiging volunteer partikular na at mas kailangan ngayon ng mga may volunteer sa ganitong uri ng pagseserbisyo na malaki ang ginagampanang parte tuwing may mga kalamidad at iba pang mga serbisyo na kinakailangan ng ating mga kababayan.